Ang aking plataporma!!!
Sa edad na 21, kabataan man kung maituturing, ngunit ang karanasan ko pagdating sa buhay at pulitika ay hindi matatawaran. Sa murang edad ay namulat ako sa tunay na takbo ng buhay, kung paanong solusyunan ang mga bagay at suliranin na aking naranasan at kung paanong makisama sa mga tao sa iba’t ibang antas ng buhay.
Bilang isa sa mga Kagawad ng SK sa Barangay Sto.Cristo, isinakatuparan namin ang mga adhikaing ninanais namin sa pagpapabuti ng antas ng buhay ng bawat mamamayan sa ating barangay. Ibinigay namin ang serbisyong nararapat na matamo at ibinalik ang suportang minsan na ipinamalas.
Dagdag pa rito, isinagawa namin ang mga proyektong ang pangunahing intensyon ay tugunan ang pangangailangang medical, dental, pampalakasan at pangkabuhayan ng bawat kabataan at maging ng lahat ng mamamayan ng Barangay Sto. Cristo. At ang aking kagustuhang makagawa ng mga katulad na proyekto ay hindi natatapos sa pagtatapos ng aming panunungkulan bilang mga miyembro ng SK.
Kasama ang mga kapwa ko SK Kagawad, ako ay nag-aasam na maging Kagawad ng Barangay na tunay kong tinatangi. Dahil dito, nilalatag ko ang aking mga inaasam na proyekto na maisasakatuparan sa tulong na rin ng mga minamahal nating kabarangay:
4K
Kalusugan, Kabataan, Kabuhayan at Kapayapaan
Kalusugan
Nais kong magsagawa ng mga Medical at Dental Missions upang mabigyan pansin ang kalusugan ng bawat mamamayan ng ating Barangay. Maging ang Libreng Pa-Tuli sa mga kabataang lalaki ay isa pa sa mga proyektong maaaring isagawa. Gayundin ang Emergency Hospitalization Fund sa mga kabaranggay na nangangailangan ng naturang tulong. Gayundin, ang iba’t ibang mga kampanya ukol sa pag-iwas sa mga pangunahing karamdaman na nararanasan ng ating mga kabarangay ay isa rin sa mga pinag-uukulan ng pansin.
Kabataan
Ang pagpapalakas sa natatanging talento ng mga kabataang Sto.Cristo na siyang susunod na magiging tagapagtaguyod ng Barangay ay isa sa magandang proyekto. At bilang isang Iskolar ng Bayan, alam ko ang kahalagahan ng Scholarship sa mga kabataang karapat-dapat ngunit kapos sa pinansyal na suporta.
Kabuhayan
Ang pagtuturo sa mga mamamayan ng ibat-ibang mga paraan ng pagkakakitaan ay malaking tulong para sa lahat. Gayundin ang pagpapahiram ng kapital sa negosyo sa mga nangangailangan nito ay isa rin sa bibigyang-pansin. At sa tulong nito, mapapalakas ang pangkalahatang pananalapi ng buong Barangay.
Kapayapaan
Ang pagpapaigting sa paglaban sa mga karahasan na laganap sa atin ay maaring maisakatuparan sa pamamagitan ng pagtuturo ng Self-defense sa bawat mamamayan at ang regular na pag-ronda ng mga kinauukulan sa pagpigil sa mga maaaring mangyari sa kalsada.
Muli, ako ay kumakatok sa inyo. Isang kabataang nag-aasam ng pag-unlad at pag-asenso ng buong Barangay Sto. Cristo.
Miranda, Marlon
para Barangay Kagawad
“Boses ng Kabataan, sa Sto. Cristo mapakikinggan”
Maraming Salamat po!
Pangalan: Miranda, Marlon Agustin
Edad: 21 taong gulang
Kapanganakan: Abril 8, 1986
Tirahan: Barangay Sto. Cristo Bago Bantay,
Quezon City
75 Pangasinan St.
Mga Magulang: Ernesto Galletes Miranda
tubong Sta. Rita Guagua, Pampanga
Florenda Aquino Agustin
tubong Acop Rosales, Pangasinan
Mga Kapatid: Michelle, Michael, Mervin, Marjorie, Mark, Marthin, Melanie
Mga Pinag-aralan: Paaralang Elementarya ng Sto. Cristo
nagtapos bilang Salutatoryan
1993-1999
Paaralang Sekundarya ng
San Francisco
nagtapos bilang Unang Karangalang Banggit
1999-2003
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
kasalukuyang nasa ika-5 taon
Bachelor of Science in Computer Engineering
2003-kasalukuyan
Mga Organisasyong Kinabilangan/Kinabibilangan:
Dating Kalihim-
San Francisco High School
Supreme Student Council 2002-2003
Miyembro - Association of Concerned Computer Engineering Students for Services
Kagawad- Sangguniang Kabataan Council
Barangay Sto. Cristo
Scholar- Francisco M. Bautista Foundation
Miyembro- St.
Peter Community
Vote!
Marlon Miranda
para Barangay Kagawad
“Maaasahan ng Mamamayan,
Matapat na Manunungkulan”

