ANG SARAP MAGING SENADOR!
Monday, May 28th, 2007
Maganda
rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam
Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa
laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.
Lumalabas na P35,000
suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat
senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng
humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang
P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental,
Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal
expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na
kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa
Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga
resibo ng mga gastusin ‘yan kundi Certification lang ang Requirement. Heto
pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay
tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na
humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang
ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado.
There’s food for
everybody ‘ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag
sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship. Sa P200 milyon na Budget
para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o
kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga
kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at
Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na
siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman,
hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga
kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga
Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang
kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision,
maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong
piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang
suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
ANG SARAP
MAGING SENADOR ! ! !
PLEASE FORWARD TO AS MANY OF YOUR FRIENDS AND LET
THE WHOLE COUNTRY KNOW THAT ELECTION IS MORE OF PUTTING AMBITIOUS PEOPLE IN
POSITION WHO ARE GREEDY IN POWER, WEALTH & PRESTIGE THAN OF PUBLIC SERVICE.
ANG MASAKIT PA PERA NG BAYAN PARIN GAGAMITIN SA ELEKSYON MALUKLOK LANG ANG MGA
BUWAYA SA PWESTO
Source: nueva@verizon.net







