Churvaloo08!

February 13th, 2008 by aisc

And then there was CHURVALOO…

A group of 36 unique individuals…

United by passion, faith, hope and love…

PUP - Manila

BSCmpE 5-1 Batch 2008

Breaking Barriers…

Going Beyond Boundaries…

Together we stand, we won’t ever fall…

CHURVALOO rocks!!!…

And that’s PERFECTION, indeed.

Ito na ang mga future Computer Engineers na tiyak na hahangaan ng kanilang mga peers, section ng CHURVALOO kung kami’y tawagin oops, ingat-ingat ‘wag kaming i-small-in.

Talumpu’t anim na students pinag-isa ng hindi nila intends, pinagbuklod ng aming mga pangarap kaibigang tapat at samahan ang hanap.

Kung susumahin may apat na grupo na may kani-kanilang trip at pauso ngunit ‘pag pinagsama-sama siguradong gulo dahil sila’y sadyang maloloko.

GYMBOYZ

Sisimulan ko ang paglalahad sa grupo ng Gymboyz na ayaw magpa-awat gym, basketball at in-between na wantusawa sa kalokohan tiyak na makakaasa.

Pinamumunuan daw ni Kuya Emet ‘pag Election of Officers siya ang laging bet babaero daw sabi ng iba ang nakapagtataka, wala pa s’yang syota.

Programmer of the Year na walang mintis Orlando Oliveros, at your service hindi mo mapipigilang sa kaniya ay ma-impress ‘pag ang usapan ay programming languages.

Certified Choreographer ng aming pangkat bright, nice guy at bestfriend ng lahat Mr. Pure Energy ang kay Rollie’y bansag hindi nauubusan ng kahit anong gag.

Mr. Cool Guy, Jefferson Nadonga madalas ay parang bulang biglang nawawala diretso sa bahay, yun ang sabi n’ya no choice na kundi ikaw ay maniwala.

Jed Borromeo, ang gambling lord na nagsimula nang siya’y nag-bo-board sa basketball team siya ang sentro sa pagbitaw ng joke, wala siyang preno.

Hindi papahuli si Marvin Madrid mga one-liner na joke ang kaniyang hatid hitsurang seryoso ang kanyang mukha pero ‘wag ka ‘pag siya na ang bumira.

“Umayos ka ha!”, sabi ni Jarrel Carpio siya yata ang nawawalang kapatid ni Sergio pogi daw siya sabi niya pagdating sa joke siya ang bida.

Siya ba si Jake Cuenca o si Francis Punzal? kapag iyong nakita ika’y mangangatal isang 4th year ang kanyang minahal sana lamang, sila’y magtagal.

Kapag cellphone niyo kailangan ng saklolo Francis Protacio ang dapat isigaw mo itong si Boy ay maaasahan sa kahit anong bagay di ka iiwanan.

Ang Captain sa Basketball, Bernard Forlales kaibigang tunay, no more no less makunat daw pagdating sa bayaran teka, yung sa Baguio? Kanya na bang nalusutan?

Si Kuya Junjun ang bagong ampon isang neophyte sa aming section lahat hawakan na, ‘wag lang kaniyang buhok conscious na conscious sa style n’yang bulok.

Elpidio Ureta, on the rebound kahit saang section noon siya’y ma-fa-found ngunit nang sa Churvaloo ay nag-stick na-feel ang samahang click na click.

No – Name?

Next naman ang grupo na parang walang name wala akong pakialam basta’t we feel the same mas madalas sila’y kalmado pero ‘pag nakilala’y kaibigang totoo.

Si Cherrry Lucas ang uunahin ko na siyang na-li-link kay Boy Labo “Punong Abala” tawag ng buong section siya kasi ang presidente, kaya naman ganun.

Pantasya daw ng Bayan, ‘yan si Ate Joy pagdating sa pag-tu-tutor siya ay tuluy-tuloy madalas ma-link sa mga matatangkad buti na lang, she’s not getting mad.

Fresh from Marinduque, ‘tong si Lovelie na kapag tumawa sobrang makatili sa seryosong usapan siya’y maaasahan pero sa tawanan, di siya papa-iwan.

Si Ate Donna? Wala akong masabi pagdating sa gawain, may diskarteng swabe magaling makisama sa lahat ng estudyante marunong mag-prioritize sa mga bagay na importante.

Si Ryan Ambito kung tawagin ay “Bossing” gustong ang lahat ay busy at working madalas seryoso sa mga usapan pero ‘wag ka, pala-aya ng inuman.

Now meet Melvin, Mr. Straight Guy kahit kaninong tao madaling makibagay maaasahan din pagdating sa programming akala mo seryoso pero minsan din ay aning.

Kung kalinga ng ina ang hinahanap-hanap mo diyan maaasahan si Nanay Cora ng Churvaloo maalaga sa mga anak, magaling mag-aruga mga loko-lokong anak, sa kaniya’y nagmana.

Katuwang naman ni Nanay itong sa Tatay Jerwin na isang homebuddy, halos lahat kayang gawin pagdating sa programming isa ring matinik sa pakikisama, may istilong walastik.

DOTABOIZ

Sa lahat ng barkada sila ang ma-bisyo isusunod ko na ang mga Dotaboiz na loko pero kung susumahin okey rin naman tunay na kaibigan, karamay kahit saan.

Yosi Kadiri daw itong si Jules Zulueta makikita ang lungga niya doon sa may Punta Certified Heartthrob ang sa kaniya’y turing kapag nalasing parang praning.

Itong si Jaja, kilala ng lahat may kakulitan at pakalat-kalat madalas na tanggero sa inuman mukhang adik pag iyong na-ispatan.

Si Philip Arcilla huwag ninyong salingin siya daw ang bearer ng brilyante ng hangin minsan maloko, madalas may toyo pagdating sa babae, kung magmahal ay todo.

Pong Pagong ang kanyang screen name Jeff Chavez naman ang kanyang real name Little drummer boy ang kanyang drama may sariling choreography ‘pag sa sayawan bumira.

Meron kaming classmate ang lenggwahe’y German Torio Igmat ang kanyang pangalan ‘pag gumawa ng prototype, tunay na ma-diskarte ‘Pag joke ang usapan di rin papahuli.

Si Henry Malubag, hindi basta basta siya daw ang keeper ng mahiwagang chipeka ang mang-iwan sa ere di niya gagawin isang little brother ang sa kaniya’y turing.

Eh papahuli ba itong si Norman? na walang kapares pagdating sa kalokohan madalas ding mawala kapag may klase kapag nagloko wala siyang keme.

Hindi isang singer itong si Basil Valdez sa pakikisama siya ay da best isa siyang Transformer, si Optimus Prime pero he’s one of our section’s pride.

DIYOSA

And presenting the last but certainly not the least ang grupo ng Diyosa na hindi ko matiis sa dami ng pinagsamahan ‘di ko malilimutan laging nasa puso, magpakailanman.

Itong si Nelly na ultimate pasaway sa hirap o ginhawa, lagi kong karamay laging kasama sa gaguhan man o inuman sa Assembly Language, siya ang No.1.

Ang Diyosa ng Deeco at maraming mangingibig Si Shiela Mae Cruz ang bigatin ng Taguig siya’y madaldal, ‘di lang halata sa diskarteng malupit siya ang bahala.

Kay Cheryll Saragcon ‘di ka ma-bo-bore sa mga eksena madalas siyang promotor katuwang ni Cherry sa mga pauso, tunay na kaibigan at taos ang puso.

Kahit minsa’y nawala itong si Lheng, siya’y nakapag-adjust doon siya magaling pambato ng mga girls pagdating sa dancing ‘pag inyong naging friend, happiness ang kanyang bring.

Sa mga girls siya daw ang maskulada siya ang hunkybabe at isang probinsyana Ms. Angeli Basa is her name cracking jokes is her game.

Hindi rin papahuli itong si Yuri pagdating sa appeal, lahat kayo yari lapitin ng boys kahit saan magpunta ang hindi nila alam, lukaret din pala.

Someone to depend on si Gerlie Mendoza Independent Woman, ‘yan ang kanyang drama magaling magdala ng mga sitwasyon in everything she do, she has a great passion.

And now brace yourself ako’y magpapakilala ang tulang ito’y siyang lumikha ‘di ko nga alam kung paano ito natapos basta’t ang alam ko’y mahal silang lubos.

Marlon Miranda po, ang inyong lingkod ang manager ng Diyosa na hindi tatalikod kinikilalang Lolo ng aking mga apo paano kasi’y rayuma ang siyang laging reklamo.

Iyan ang kabuuan ng grupo ng Churvaloo iba’t ibang tao ngunit iisang gusto tunay na mahal ang isa’t isa sa kahit anong unos, ‘di papaubaya.

Sadyang pinagtibay ng panahon ang pagkakaibigang minsan ding hinamon salamat sa mga taong naging inspirasyon ang mga karanasa’y siyang laging baon.

Marami ring salamat sa mga naging bahagi ng aming section na tunay kong tinatangi ang mga panahon na ating pinagsaluhan umasang nasa puso’t ‘di malilimutan.

Maraming salamat kina Earl Fernan Salv Abalos at Hilarion Manasan at ganun din kina Michael Lejano Giezl Correos at Mary Jane Avellano.

Salamat kina Bondoc at Allan Pamplona Joshua Corpuz at Eric Bautista umasang may puwang sa aming puso ang ating pinagsamahan na tunay at buong buo.

Thank you very much to the members of the faculty That made our College life enjoyable and happy From the bottom of our hearts we were deeply touched By the things that you’ve shared that we deared so much.

Ang aking plataporma!!!

November 8th, 2007 by aisc

            Sa edad na 21, kabataan man kung maituturing, ngunit ang karanasan ko pagdating sa buhay at pulitika ay hindi matatawaran.  Sa murang edad ay namulat ako sa tunay na takbo ng buhay, kung paanong solusyunan ang mga bagay at suliranin na aking naranasan at kung paanong makisama sa mga tao sa iba’t ibang antas ng buhay.

            Bilang isa sa mga Kagawad ng SK sa Barangay Sto.Cristo, isinakatuparan namin ang mga adhikaing ninanais namin sa pagpapabuti ng antas ng buhay ng bawat mamamayan sa ating barangay.  Ibinigay namin ang serbisyong nararapat na matamo at ibinalik ang suportang minsan na ipinamalas.

            Dagdag pa rito, isinagawa namin ang mga proyektong ang pangunahing intensyon ay tugunan ang pangangailangang medical, dental, pampalakasan at  pangkabuhayan ng bawat kabataan at maging ng lahat ng mamamayan ng Barangay Sto. Cristo.  At ang aking kagustuhang makagawa ng mga katulad na proyekto ay hindi natatapos sa pagtatapos ng aming panunungkulan bilang mga miyembro ng SK.

            Kasama ang mga kapwa ko SK Kagawad, ako ay nag-aasam na maging Kagawad ng Barangay na tunay kong tinatangi.  Dahil dito, nilalatag ko ang aking mga inaasam na proyekto na maisasakatuparan sa tulong na rin ng mga minamahal nating kabarangay:

4K

Kalusugan, Kabataan, Kabuhayan at Kapayapaan

Kalusugan

            

            Nais kong magsagawa ng mga Medical at Dental Missions upang mabigyan pansin ang kalusugan ng bawat mamamayan ng ating Barangay.  Maging ang Libreng Pa-Tuli sa mga kabataang lalaki ay isa pa sa mga proyektong maaaring isagawa.  Gayundin ang Emergency Hospitalization Fund sa mga kabaranggay na nangangailangan ng naturang tulong.  Gayundin, ang iba’t ibang mga kampanya ukol sa pag-iwas sa mga pangunahing karamdaman  na nararanasan ng ating mga kabarangay ay isa rin sa mga pinag-uukulan ng pansin.

 

Kabataan

            Ang pagpapalakas sa natatanging talento ng mga kabataang Sto.Cristo na siyang susunod na magiging tagapagtaguyod ng Barangay ay isa sa magandang proyekto.  At bilang isang Iskolar ng Bayan, alam ko ang kahalagahan ng Scholarship sa mga kabataang karapat-dapat ngunit kapos sa pinansyal na suporta.

Kabuhayan

            Ang pagtuturo sa mga mamamayan ng ibat-ibang mga paraan ng pagkakakitaan ay malaking tulong para sa lahat.  Gayundin ang pagpapahiram ng kapital sa negosyo sa mga nangangailangan nito ay isa rin sa bibigyang-pansin. At sa tulong nito, mapapalakas ang pangkalahatang pananalapi ng buong Barangay.

Kapayapaan

            

            Ang pagpapaigting sa paglaban sa mga karahasan na laganap sa atin ay maaring maisakatuparan sa pamamagitan ng pagtuturo ng Self-defense sa bawat mamamayan at ang regular na pag-ronda ng mga kinauukulan sa pagpigil sa mga maaaring mangyari sa kalsada.

        Muli, ako ay kumakatok sa inyo. Isang kabataang nag-aasam ng pag-unlad at pag-asenso ng buong Barangay Sto. Cristo.

Miranda, Marlon

para Barangay Kagawad

“Boses ng Kabataan, sa Sto. Cristo mapakikinggan”

Maraming Salamat po!

      

Pangalan:                    Miranda, Marlon Agustin

Edad:                           21 taong gulang

Kapanganakan:           Abril 8, 1986

Tirahan:                      

75 Pangasinan St.

Barangay Sto. Cristo Bago Bantay,

Quezon City

Mga Magulang:            Ernesto Galletes Miranda

                                    tubong Sta. Rita Guagua, Pampanga

                                    Florenda Aquino Agustin

                                    tubong Acop Rosales, Pangasinan 

Mga Kapatid:               Michelle, Michael, Mervin, Marjorie, Mark, Marthin, Melanie

Mga Pinag-aralan:       Paaralang Elementarya  ng Sto. Cristo

                                    nagtapos bilang Salutatoryan

                                    1993-1999

                                    Paaralang Sekundarya ng

San Francisco

                                    nagtapos bilang Unang Karangalang Banggit

                                    1999-2003

                                    Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

                                    kasalukuyang nasa ika-5 taon

                                    Bachelor of Science in Computer Engineering

                                    2003-kasalukuyan

Mga Organisasyong Kinabilangan/Kinabibilangan:

            

            Dating Kalihim-         

San Francisco

High School

Supreme Student Council 2002-2003

Miyembro -                 Association of Concerned Computer Engineering Students for Services

            Kagawad-                   Sangguniang Kabataan Council

                                                Barangay Sto. Cristo 

            Scholar-                     Francisco M. Bautista Foundation      

Miyembro-                  St.

Peter Community

Vote!

Looneysaturated 

Scan0035

Marlon Miranda

para Barangay Kagawad

“Maaasahan ng Mamamayan,

Matapat na Manunungkulan”

Toxic Days, Here it comes!

July 14th, 2007 by aisc

     I’m into the verge of breaking down, with full loads of things to accomplish, circuits to make, lessons to understand, subject to cope up with, and professors to satisfy with!

     It seems like tiring but I have no choice.  I have to prove everyone that I could stand up with what I first decided with.  I need to pay back to my family the things they have shared with me throughout my studies.  They unwavering support is incomparable with anything worth treasured for.

     Together with prayers, I know that I will be able to manage things up in the most appropriate way!  I hope my colleagues could also finish our degree, marching altogether, bearing our toga proudly and gratefully!

     Oh what a heck!

     I just pray for God for his will to prevail, for thare’s nothing ha wants for us but to put us on our proper niche in this society!

     Get going!

     Good luck Batch 2008!

   

Back to School, I Hate my School!

June 13th, 2007 by aisc

    Duhh!  Its another semester of overpowering paperworks, yet nothings remains in mind afterwards.  I’m so sick of preparing for the first day of school without knowing that nothing stores for us today, no study and no prof!  Don’t they realize the preparation made by the students and yet finding only a bunch of freshies roaming around to be familiarized in the campus.
    I am not worried anymore regarding my  studies nowadays unlike the preceding sems.   I just  realized that if its really God’s will, it will prevail. But, of course, I’ll still do my part to graduate in March 2008!  Maybe, I am also tired of worrying things that others don’t worry about!  I’ll just savor the moment  of being senior in the campus, with other students looking up to us. Haha!  Yabang!
    My plans????  Well, I am planning to take a Master’s degree in Psychology, Mathemetics, or Public Relations.  After I graduate as Engineer, I’ll probably take a job with good compensation, and save for my future plans.  Then, after a couple of years, I’ll have my Masters at any exclusive school.  I am also planning to go overseas where I would take myImages_2
Doctoral.  I want to study more things from different fields so that I could be flexible and versatile for any job where my best abilities will serve.
    I just hope for my plans to come in place, in the right time.  I’ll just work hard and give my best shot for every endeavor I’m into.  Good luck to me and may God bless me!

ANG SARAP MAGING SENADOR!

May 28th, 2007 by aisc


Maganda
rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam
Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa
laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000
suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat
senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng
humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang
P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental,
Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal
expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na
kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa
Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga
resibo ng mga gastusin ‘yan kundi Certification lang ang Requirement.  Heto
pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay
tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na
humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang
ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado.

There’s food for
everybody ‘ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag
sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.  Sa P200 milyon na Budget
para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o
kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga
kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at
Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na
siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman,
hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga
kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga
Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang
kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision,
maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong
piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang
suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP
MAGING SENADOR ! ! !

PLEASE FORWARD TO AS MANY OF YOUR FRIENDS AND LET
THE WHOLE COUNTRY KNOW THAT ELECTION IS MORE OF PUTTING AMBITIOUS PEOPLE IN
POSITION WHO ARE GREEDY IN POWER, WEALTH & PRESTIGE THAN OF PUBLIC SERVICE.
ANG MASAKIT PA PERA NG BAYAN PARIN GAGAMITIN SA ELEKSYON MALUKLOK LANG ANG MGA
BUWAYA SA PWESTO :-)

Source: nueva@verizon.net

At Last!

May 28th, 2007 by aisc

    Today is our last day in OJT here in Apollo Technologies, Inc.  And I know that I will cherish whatever I’ve experienced here.  Its really a great experience to be a with great guys working together.
     I’ll probably miss the elevator, the doorstep and my PC.  I’ll miss almost everything here. And also, the friendship and the bond we had with the employees here.
     It’s a good thing for us students to undergo the OJT to be able to familiarize ourselves with the nature of work we will be dealing with when we enter the corporate world.
       In here, I learned to make Use Case for website, so as Site Map and Manual for the users to have an easy time using the system.  I aDesign8_03lso learned how to use the MS Visio which is a very big help for technically inclined people in making drawings, diagrams and technical reports.  I also got the time to explore and discover different techniques in blogging.  I was able to publish my own blog wherein I could say whatever I want prerogatively.  I also learned different techniques in image editing using Adobe Photoshop 7.0 which I liked the most.
        Well, that’s all folks!  Good luck for me and may God bless me to graduate this March. Oh, how I wish!

Should I pursue it?

May 23rd, 2007 by aisc

    It’s been 5 long years since I enter the simplest and the most basic structure of the government which is the Sangguniang Kabataan Council where I have been a Councilman or a Kagawad.  I had entered this with such a very ideal plans in mind by youth empowering the youth, believing in what our youth could do and giving them the chance to show the society what they have to uplift the whole community.  The experiences I had encountered here really tested my patience, understanding and even stamina.  Though, I am happy surpassing all those and not quitting.  We’ve been through ups and downs but we still hold on tight to what we promise to the people, giving them the best service they fully deserve. 
    I admit that I have also been amidst of breaking down, taking in all the scrutiny which was allegedly involving the whole council.  I know that some people and even our constituents knows what were really happening inside the Council.  But this I say, I am waiving that all the Councilman we0re really doing their very best to pursue what they ought to be doing.  We were in our position right now by the mandate of the people, nothing more and nothing less. 
    And I also admit, that I still have the passion of continuing the things that I have already done.  People around me are talking about me taking on a higher venture in my "political carer".  They assured me of their support if ever I’ll be running for Barangay Kagawad.  But for me, I am taking my time thinking on what I really wanna do, and I’m not yet closing my doors about that.  And there’s also something within me telling me to pursue it.
    I’m now an incoming 5th year Computer Engineering student in PUP,  my last year to spend in school.   And this October will be the Local election, where the Barangay subordinates will choose their leaders.
    Well, I’m just taking my time praying and letting the God’s will to prevail.   

Senatorial Tallies

May 21st, 2007 by aisc

COMELEC
COUNT

Partial and Unofficial as of 11:45 a.m., May 21, 2007

 



RANK

CANDIDATES

TOTAL

1

Legarda
(GO)

7,004,503

2

Escudero
(GO)

6,875,902

3

Lacson
(GO)

5,808,182

4

Villar
(GO)

5,729,919

5

Pangilinan
(ind)

5,520,239

6

Aquino
(GO)

4,970,380

7

Arroyo
(TU)

4,500,884

8

Angara
(TU)

4,489,740

9

Honasan
(ind)

4,353,803

10

Cayetano
AP (GO)

4,320,744

11

Trillanes
(GO)

4,075,789

12

Recto
(TU)

4,061,509

13

Zubiri
(TU)

4,033,574

14

Pimentel
(GO)

3,990,232

15

Defensor
(TU)

3,702,164

16

Pichay
(TU)

3,685,939

17

Roco
(GO)

3,212,124

18

Montano
(TU)

3,109,049

19

Sotto
(TU)

3,021,561

20

Osmena
(GO)

2,553,519

21

Magsaysay
(TU)

2,453,709

22

Coseteng
(GO)

1,954,123

23

Singson
(TU)

1,684,359

24

Oreta
(TU)

1,662,739

25

Gomez

1,037,550

26

Kiram
(TU)

763,692

27

Chavez

319,981

28

Bautista

281,050

29

Paredes

278,394

30

Cayetano
J

186,903

31

Sison

132,853

32

Wood

111,604

33

Lozano

109,794

34

Estrella

98,677

35

Cantal

44,616

36

Orpilla

38,474

37

Enciso

36,647

 

NAMFREL
QUICK COUNT

Partial
and Unofficial as  of 8:40 a.m., May 21, 2007



RANK

CANDIDATES

TOTAL

1

Legarda,
Loren      

6,396,348

2

Escudero,
Chiz      

6,276,708

3

Lacson,
Ping    

5,551,623

4

Villar,
Manue l   

5,240,839

5

Pangilinan,
Kiko

5,088,512

6

Aquino,
Noynoy

5,028,466

7

Angara,
Edgardo

4,511,859

8

Honasan,
Gringo

4,191,191

9

Arroyo,
Joker

4,132,857

10

Cayetano,
Alan Peter

4,029,758

11

Trillanes,
Antoni

3,932,052

12

Pimentel,
Koko

3,855,797

13

Zubiri,
Juan Miguel

3,727,783

14

Recto,
Ralph

3,650,351

15

Pichay,
Prospero

3,523,743

16

Defensor,
Mike

3,448,339

17

Roco,
Sonia

3,002,377

18

Montano,
Cesar

2,963,904

19

Osmena,
John

2,639,856

20

Sotto,
Tito

2,519,310

21

Magsaysay,
Vic

2,325,887

22

Coseteng,
Nikk

1,825,013

23

Oreta,
Tessie

1,526,006

24

Singson,
Chavit

1,517,121

25

Gomez,
Richard

930,833

26

Kiram,
Jamalul

827,452

27

Chavez,
Melchor

345,437

28

Bautista,
Martin

299,298

29

Paredes,
Zosimo

286,598

30

Cayetano,
Joselito

210,687

31

Sison,
Adrian

170,273

32

Lozano,
Oliver

166,919

33

Estrella,
Antonio

158,242

34

Wood,
Victor

135,109

35

Enciso,
Ruben

73,976

36

Orpilla,
Ed

70,881

37

Cantal,
Felix

64,419

 

                                             Source:

Images_1
 

What the heck!

May 17th, 2007 by aisc

        Getting
myself teary eye in this early morn!  No kidding!  Tears just fell
from my eye, not knowing the reason, until I realize what is goin’ on me!
Its weird but I can’t help myself crying in this very obvious yet tolerated way
of canvassing the electoral votes.

        I just heard last
night that Team Unity is leading and getting the top 12 senatorial slots in
Mindanao.  Getting 12-0?  I just could not
imagine not a single candidate from the Genuine Opposition or other parties or
even independents did not traverse this line-up.  How come they got
that?  Not even in the history of the country, as far as my knowledge is
concern, a complete line-up of a particular party won in the election.  It
even sounds funnier if this counting will be the COMELEC’s basis.

        It also came to my
knowledge that all independent groups and media that conduct canvassing have
nearly the same results, coinciding each.  But the Team Unity is having
their own canvassing and turns out that they are leading.  And they attest
that their counting is the most reliable and credible.  Oh common!
They also admitted that they first canvassed the ballots from certain
provinces.  I just hope that they did not prioritize those provinces where
they utilized their so called machinery.  How I hope.

        Don’t we get
it?  Look! We’ve been in the same
season many times and it looks like we did not learn any lesson then.

        The TU admitted
themselves that it is hard for them to win here in the Metro. Hindi
raw nila balwarte ang
Metro
Manila. Or should they say “the people in Metro Manila are intelligent
enough not to be bribed or paid for”.  The people in Metro
Manila
already learned their lessons and it’s
quite obvious. What these people are fighting for is for the
whole country and the fellow countrymen.


      I am appealing to
those to our fellow Filipinos, especially those who lived in the
provinces. We, the people here in the Metro, are doing
our best and vote for the right ones. But what the people in the
provinces are doing? They rampantly sell their votes for a day’s
meal, not realizing the long term effect of these not only for
themselves but
the whole Filipino nation.  When are we
going to be mature? Huh! Now, let’s
see. And may you face the consequences
afterwards!

        What a Society we
have!

 

Ang Makinarya. Bow!

May 15th, 2007 by aisc

    Katatapos lamang kahapon ng araw ng halalan .  Ang araw na pinakahihintay nating mga Pilipino upang mapakinggan muli ang tunay nating tinig.  Ngunit tunay nga bang napakikinggan tayo at tunay bang nagwawagi ang syang tunay at lehitimong binoto ng mga tao?

    Kahapon, nanood ako sa telebisyon na nasa ABS-CBN Channel 2.  Pinanood ko ang Live na pagtutok ng ABS-CBN News and Public Affairs sa mg pinakasariwang balita ukol sa eleksyon.  Sa aking panonood, isang salita ang tumatak sa aking isipan.  "Bakit ang mga pulitiko ay willing pumatay at mandaya, makapaglingkod lamang sa bayan? ", ani Ted Failon.  Mga salitang nakakatawa ngunit, totoo at nakakapanlulumo kung iisipin.

    Kahapon na rin sinimulan ang pagbibilang ng mga balota sa bawat presinto.  Gumanap ako bilang poll watcher isang lokal na kandidato sa aming distrito.  Mayroong 214 na rehistradong botante sa dalawang presinto sa silid-aralan kung saan ako naatasang magmatyag (cluster daw ang tawag dito, pinagsama sa iisang silid-aralan ang dalawang presinto).  Ngunit 126 lamang ang bumoto o 58.87 porsyento ng kabuuang bilang. May kani-kaniya silang mga dahilan, marahil na sumasalamin kung gaano hindi nagugustuhan ng mga tao ang pulitika ng bansa.

    Sa presinto pa lang namin, nangunguna na ng malaking agwat ang mga pambato ng Oposisyon na pinangungunahan ni Chiz Escudero na sinundan ni Loren Legarda at iba pa.  Sa kabuuan, 8 ang pumasok sa Oposisyon, 2 sa Administrasyon, at 2 Independent.  Ganoon din ang kinalabasan sa ibang mga presinto, bagaman hindi na ako nagtataka sa bagay na ito. Natutuwa rin ako dahil isa lamang sa mga binoto kong kandidato sa pagka-senador ang hindi nakapasok sa unang 12.Senate_1

    Pag-uwi ko ng mga alas-11 ng gabi, nakita ko na nagsisimula na rin ang bilangan na ginagawa ng ABS-CBN at ng GMA at kapwa parehas ang lumalabas na resulta, 8-2-2.  Nasabi ko sa sarili ko "Ewan ko na lang kung di pa manalo ang Oposisyon o mas marami ang pumasok sa Administrasyon."

    Naalala ko tuloy ang mga salitang palaging sinasabi ng kampo ng Administrasyon na mas may tyansa silang magwagi gamit ang kanilang makinarya. Di ko alam ang ibig sabihin nito sa simula, ngunit para sa mga ordinaryong tao, mukhang magkakadayaan na naman.  Ang makinarya kasi na tinutukoy ay napaka salimuot kung iisipin at kinakailangan pang ipaliwanag.

   Natatakot ako na baka masayang lang ang botong pinag-isipan ko, ang paghihirap ng mga taong nagbibilang ng boto, sa dilim man o sa lupa, maitala lamang ang saktong boto at ang tiwala ng mga tao sa mga kandidatong kanilang binoto.  Di biro ang ginagawa ng bawat taong nagsasakripisyo ukol sa bagay na ito at saksi ako rito.

    Natatakot ako na mabalewala ang mga adhikain ng mga taong nararapat sa pwestong ninakaw ng iba.  Natatakot ako!

    Sana lamang ay maging makatotohanan ang resulta ng ginagawang bilangan.  Dahil di ko gugustuhing sumunod sa pinunong hindi tunay na hinalal ng mas nakararaming Pilipino.